Labels

Sunday, December 19, 2010

right or wrONG? sabi ng palaka


Pano mo masasabi kung tama o mali ang ginawa mo o ang nagawa mo na…..
SA LOVE?

“Sa love? Anong napala ko sa love…pimples, eye bags………..” salitang sikat sa isang commercial ng ice tea……..

Mahal mo pero kailangan mong iwan(shit!)…hindi dahil ayaw mo na sa kanya kundi dahil kailangan mo munang matutununang mahalin ang sarili mo,at dahil kailangan mong gamitin ang salitang”I need time…and space”(palusot ng mga salawahan)…at sa pag-aakalang mag-iintay siya hanggat mapanindigan mo ang kadramahan mo…ayun naghanap ng iba….(t@34@...........)

Mahal ka pero may mahal kang iba. Dahil ayaw mong masaktan yung nagmamahal sayo,pinili mo siya dahil alam mo ang pakiramdam ng may nagmamahal ng taong hindi ka mahal. Pero dahil alam niya na may mahal kang iba hindi mo alam na mas nasasaktan siya.(mas makasarili kapa sa mga pulitiko na gusto lahat pamunuan)..
Mahal ka,mahal mo siya…ok na sana! Kaso hindi naman siya gusto ng pamilya mo.. kaya kailangan mo pa din siyang iwan.(no comment)

Mahal mo pero may asawa na at sakabila ng katotohanan na yun pinili mo pa ding kasama siya kahit may nasasaktan kang iba..(at dahil diyan isa kana sa mga insekto na hindi kayang mabuhay ng walang sinisira)

Nagkarelasyon ka panakip butas sa ex mo,pero dumating yung ex mo,nakipagbalikan sayo at dahil ikaw ay kasama sa samahan ng mga higad at manggagamit iniwan mo yung present , dahil akala mo mas mahal mo yung ex mo…pero sa huli kaw ang nagdusa…dahil yung inakala mong hindi mo minahal eh siya pala yung taong nagpapaligaya sayo!!!(buti nga!)

May mahal ka!hindi mo sinabi sa kanya dahil inakala mo na hindi ka niya mahal…hindi mo lam nag-aantay lang pala siya sayo…at dahil sa torpe ka at ginawang dahilan ang “study first” naiinip na ang mahal mo nakahanap siya ng iba…nagkajowa…at pinakadudurog ng puso mo eh ikakasal na siya!..habang ikaw nasa likod ng madilim na sulok ng kwarto mo may bangs,makapal ang eye liner,luhaan habang kumakanta ng “ikakasal kana…iiwan na akong nag-iisa..” (uhhhhhmmm…t*&#@ …un nay un…)

Mahal mo..at dahil sa uso…nagmahal kapa ng iba at dahil hindi ka pa din kuntento…kumuha ka pa ng reserba..nahuli ka ng mahal mo di ka nakapagsalita ng sinabi nyang “kapal ng muka mo…break na tayo!!!”….at dahil hindi alam ng isa na may jowa ka…iniwan ka din sabay sampal sa pagmumuka mong may kalyo sa sobrang kapal…at dahil nga kay ganda ng pagmumuka mo iniisip mong au slang dahil nga may reserba ka…ang problema si reserba pala eh may jowang iba at is aka lang din sa mga reserba nya…(comment ko…HAHAHA)

Mahal mo kahit alam mong hindi ka niya mahal,at ginagamit ka lang niya para mapagselos yung mahal niya…(at dahil kasapi ka sa mgatribo ng martyr nagpanggap kang isang baton a hindi tinatablan ng kahit ano…kahit ang totoo sa kabila ng matigas mong panlabas di mo pa din maitatago na isa ka lang putik na tumigas dahil nabilad sa araw at sa oras na umulan mabilis ka lang ding malulusaw na parang kandila na sinindihan…)…at sa kabila ng lahat nagdesisyon ka pa din na mahalin siya..kahit nagmumuka ka ng tanga….(masakit ba pakinggan….sorry pero…TANGA ka paghinayan mo pa yun na mangyari sayo)

SA BUHAY?

Inutusan ka ng nanay mo na kapag dumating ang bumbay sabihin mo wala siya…at dahil naniniwala ka sa sinabi ng titser mo at minsang sinabi din naman ng nanay mo na masamang magsinungaling… Duamting ang bumbay “Utoy ang nanay mo?”…tanong ng bumbay… nag-isip ka baka pwedeng konti ka lang magsinungaling..kaya sumagot ka..“sabi po ni nanay wala po daw siya”…(at syempre dahil bibo kang mag-isip at akala mo nasulusyunan mo na ang problema ng pamilya mo…harapin mo na ang pamalo ng nanay mo….)
Sabi nga ng isang titser ko nung highschool pa ko “hindi masamang magsinungaling lalo na kung may maayos na dahilan ka…”. Values ang tinuturo nyang subject nun…at sinabi din niya isa daw yun sa gustong ipaunawa ng subject nay un..

Minsan kailngan nating mag-sinungaling para sa ikabubuti ng lahat…tulad ng ..
-may naghahanap na laseng sa tito mo at may hawak na itak…ituturo mo ba?
-may hindi kilalang tao ang nagtatanong ng information tungkol sa pamilya mo…sasabihin mo ba ang totoo..
-mahal mo ang bestfriend mo at alam mong may boyfriend/girlfriend siya sasabihin mo pa ba ang nararamdaman mo kahit alam mong maraming pwedeng masira dahil sa nararamdaman mo…
-nakita mong may kasamang iba ang tatay ng kaibigan mo isusumbong mob a yun agad…
-pano kung may matinding karamdaman ang mahal mo taz itatanong niya kung mabubuhay pa siya ng matagal...kahit ang totoo maaring bukas eh kunin na siya...sasabihin mo ba anng totoo?

Ngayon kung hindi mo nagustuhan ang nabasa mo…nirerespeto ko dahil magkakaiba naman tayo ng paniniwala… pwede ko din naman malaman ang mga opinion mo magcomment ka lang sa pahinang ito….kung may mga tanong ka nasayo din ang sagot nun…

No comments:

Post a Comment