Labels

Monday, December 20, 2010

"LoosEr"


“Dehadong Palaka”

Minsan kahit anong gawin mo iniiwan ka padin,pinagpapalit sa iba,sinasaktan at niloloko… Malamang isa sa mga nasbi ko ang naranasan mo..tama ba ko?

INIWAN

Iniwan ka kahit ginawa mo na ang lahat.. kumain ka ng apoy, ngumuya ng bubog at pinaglaba mo siya gamit ang dila mo…(siyempre imposible yan…pero kulang nalang ganyan gawin mo)dahil nga halos lahat binigay mo at ginawa mo. Ni katiting na pagmamahal at respeto sa sarili mo wala kang tinira pero anong napala mo… sa huli iniwan ka pa din niya..pwede din naman na pinagpalit mo lahat ng kaibigan mo,iniwan ang pamilya, umalis sa marangyang pamumuhay, kahit ang sarili mong career isinang tabi mo para sa kanya..INIWAN ka pa din niya… at ang kadalasang madidinig mong dahilan nila ay…….

pasensiya kana hindi ko kayang tapatan mga ginagawa mo at ang pagmamahal mo..hindi ako bagay sayo”. (wow! Sosyal diba..kahit hindi ka naman nahingi ng kapalit sa ginagawa mo kundi ang wag ka lang niya iwan… wala pa din yun sa kanya..at parang ikaw pa ang may kasalanan dahil masyado kang magaling magmahal..)

para kasing may kulang..hindi na ko masaya sayo!may mahal na kong iba..”.. (hanep diba? Halos ngatngatin mo na kuko niya kapag wala kayong nail cutter, paliguan, subuan na para kang may alagang comatose tapos hindi pa siya matutuwa at nakuha pang magmahal ng iba)

sorry hindi talaga kita mahal…naawa lang ako sayo…”.. (ayos siya pa ang mabait dahil naawa siya sayo…at dahil naubos na yung sinasabi niyang awa iiwan ka na niya.. para kang basahan na pinilit labahan dahil no choice na siya..)

At ikaw na walang itinira sa sarili mo ang kakain ng bahaw, magsusuot ng pinaglumaan, kakain ng tinik, at luluha na parang suka ang binubuhos sa nagdurugo mong sugat…sabay sisihin mo ang mundo, magagalit sa diyos, itatanong kung bakit nabuhay ka pa, magagalit sa lahat ng nilalang dahil sa kabiguan mo…at sisirain mo pa ang sarili mo..(syempre mali yun..)

At kung ikaw naman ay wala ng makapitan bukod sa mga dingding ng bahay niyo… ehem! Nandiyan si lord 24 hours yan pwede mong kausapin…kung hindi mo madinig ang sagot niya.. subukan mo munang ilapit ulit at ipagkatiwala buhay mo sakanya malalaman mo din ang sagot niya.( 100% guarantee yan.

…to be continued….

No comments:

Post a Comment