Labels

Thursday, December 23, 2010

"Bakit may emong ipiS"


“ANG IPIS”

naisip mo na ba kung ano ang pakinabang ng ipis,minsan natanong ko sa aking sarilikung bakit ginawa pa ng diyos ang mga ipis?....

sabi ng mga eksperto ang ipis daw ay tumutulong sa pagbalanse ng mundo…(sabi daw)

pero ng minsan nakaramdam ako ng pagkalungkot pumunta ako sa lansangan,tumambay sa tabi nang daan…..nagmunin muni. Bigla nalang akong nakakita ng ipis sa daan,palakad lakad ni hindi manlang ntatakot na mabangga ng mga sasakyan. Naalala ko nung bata pa ko muntik na kong mabangga ng tricycle ah hindi ng jeep pala,uhm ung totoo na nga truck ang muntik ng makabangga sakin. Sang katerbang palo ang tumama sakin,di pa ako nakakarecover sa palo ng nanay ko andiyan na agad ang palo ng tatay ko…at hindi pa nagpatalo lola ko pinalo din ako,minsan tuloy naisip ko kung ang ibig sabihin ng pagpalo sa mga bata eh pagmamahal daw…parang ayoko nan g may nagmamahal sakin, para hindi na ako masaktan.

Mabalik tayo sa ipis, dalawa,tatlo,siyam na sasakyan na dumaan pero di pa din siya tinatamaan. Nawala siya sa paningin ko panandalian kaya hinanap ko ang ipis na parang sikat na sikat na artista sa paningin ko. Aba! Ang ambisyosang ipis nasa may poste na pala lumilipad lipad pa,habang nakikipaglaro sa liwanag…hahahaha hindi pala ipis yun alitaptap pala kasama ng mga pesteng atangya,kung taga dito ka sa laguna malamang nakita mo na ang malaking atangya na sinasabi ko…ang ipis?andun sa may kalsada pa din pala. Madami nang sasakyan ang dumaan pero ang mokong buhay pa.Aba!? may sugat siya sa bandang ulo siguro tinamaan siya ng bahagya..(ui concern).

Palapit na kasi siya sakin kaya tanaw na tanaw ko siya,at ng malapit na siya sakin….hindi na nakatiis ang makati kong paa,kaya tinapakan ko. Bigla akong nakaramdam ng inggit…oo nga tama tayo kung tutuusin wala naman talagang pakinabang ang ipis. Kapag nagapangan nito ang pagkain mo hindi mo na ito makakain,peste din ito sa mga negosyanteng nagtitinda ng pagkain,bwiset din ito kapag nakikita sa mga cabinet. Mabaho,walng kwenta,peste…pero kung tutuusin kaiinggitan mo din sila. Bakit?kasi naman di tulad nating mga tao di na nila kailangang mag-isip,hindi na nila kailangang ng pakiramdam, hindi din nila alam ang mga salitang problema,pera,utang,kaaway,pamilya,anak,buhay, pagkain,a,ba,ka,da,a,e,I,o,u…atbp….

Siguro ginawa din sila ng diyos para kainggitan,mainspired ka hehehe kung pano?…bakit hindi mo subukang mag-isip. Hindi tulad nating mga tao,hindi na nila kailangang magtrabaho,mag-alala kapag may sakit, magmahal, magpakahirap para lang mabuhay,hindi na rin nila kailangang tumanda bago mamatay dahil may mga tao naman na sumisintensya ng kanilang buhay..at dahil wala silang isip hindi sila malulungkot kung may kapatid sila o pamilya na napatay ng tsinelas…hahaha…

Oh…ano?gusto mo na din bang maging ipis..?

Gusto siguro ng diyos na minsan magpakaipis tayo..hindi pwedeng sa lahat ng sugat,tapak at pandidiri satin ng iba eh papansinin naten..kasi kapag lahat ng bagay at problema inisip mo ng inisip walang mangyayari sayo…baka mas masahol kappa sa ipis..

No comments:

Post a Comment