the truth
Sunday, January 2, 2011
mahAl ka ng Palaka

..pano kung isang araw nagkita kau ng ex mo..may kasama kana pero parang
Thursday, December 23, 2010
"Bakit may emong ipiS"

“ANG IPIS”
naisip mo na ba kung ano ang pakinabang ng ipis,minsan natanong ko sa aking sarilikung bakit ginawa pa ng diyos ang mga ipis?....
sabi ng mga eksperto ang ipis daw ay tumutulong sa pagbalanse ng mundo…(sabi daw)
pero ng minsan nakaramdam ako ng pagkalungkot pumunta ako sa lansangan,tumambay sa tabi nang daan…..nagmunin muni. Bigla nalang akong nakakita ng ipis sa daan,palakad lakad ni hindi manlang ntatakot na mabangga ng mga sasakyan. Naalala ko nung bata pa ko muntik na kong mabangga ng tricycle ah hindi ng jeep pala,uhm ung totoo na nga truck ang muntik ng makabangga sakin. Sang katerbang palo ang tumama sakin,di pa ako nakakarecover sa palo ng nanay ko andiyan na agad ang palo ng tatay ko…at hindi pa nagpatalo lola ko pinalo din ako,minsan tuloy naisip ko kung ang ibig sabihin ng pagpalo sa mga bata eh pagmamahal daw…parang ayoko nan g may nagmamahal sakin, para hindi na ako masaktan.
Mabalik tayo sa ipis, dalawa,tatlo,siyam na sasakyan na dumaan pero di pa din siya tinatamaan. Nawala siya sa paningin ko panandalian kaya hinanap ko ang ipis na parang sikat na sikat na artista sa paningin ko. Aba! Ang ambisyosang ipis nasa may poste na pala lumilipad lipad pa,habang nakikipaglaro sa liwanag…hahahaha hindi pala ipis yun alitaptap pala kasama ng mga pesteng atangya,kung taga dito ka sa laguna malamang nakita mo na ang malaking atangya na sinasabi ko…ang ipis?andun sa may kalsada pa din pala. Madami nang sasakyan ang dumaan pero ang mokong buhay pa.Aba!? may sugat siya sa bandang ulo siguro tinamaan siya ng bahagya..(ui concern).
Palapit na kasi siya sakin kaya tanaw na tanaw ko siya,at ng malapit na siya sakin….hindi na nakatiis ang makati kong paa,kaya tinapakan ko. Bigla akong nakaramdam ng inggit…oo nga tama tayo kung tutuusin wala naman talagang pakinabang ang ipis. Kapag nagapangan nito ang pagkain mo hindi mo na ito makakain,peste din ito sa mga negosyanteng nagtitinda ng pagkain,bwiset din ito kapag nakikita sa mga cabinet. Mabaho,walng kwenta,peste…pero kung tutuusin kaiinggitan mo din sila. Bakit?kasi naman di tulad nating mga tao di na nila kailangang mag-isip,hindi na nila kailangang ng pakiramdam, hindi din nila alam ang mga salitang problema,pera,utang,kaaway,pamilya,anak,buhay, pagkain,a,ba,ka,da,a,e,I,o,u…atbp….
Siguro ginawa din sila ng diyos para kainggitan,mainspired ka hehehe kung pano?…bakit hindi mo subukang mag-isip. Hindi tulad nating mga tao,hindi na nila kailangang magtrabaho,mag-alala kapag may sakit, magmahal, magpakahirap para lang mabuhay,hindi na rin nila kailangang tumanda bago mamatay dahil may mga tao naman na sumisintensya ng kanilang buhay..at dahil wala silang isip hindi sila malulungkot kung may kapatid sila o pamilya na napatay ng tsinelas…hahaha…
Oh…ano?gusto mo na din bang maging ipis..?
Gusto siguro ng diyos na minsan magpakaipis tayo..hindi pwedeng sa lahat ng sugat,tapak at pandidiri satin ng iba eh papansinin naten..kasi kapag lahat ng bagay at problema inisip mo ng inisip walang mangyayari sayo…baka mas masahol kappa sa ipis..
Monday, December 20, 2010
"LoosEr"

“Dehadong Palaka”
Minsan kahit anong gawin mo iniiwan ka padin,pinagpapalit sa iba,sinasaktan at niloloko… Malamang isa sa mga nasbi ko ang naranasan mo..tama ba ko?
“INIWAN”
Iniwan ka kahit ginawa mo na ang lahat.. kumain ka ng apoy, ngumuya ng bubog at pinaglaba mo siya gamit ang dila mo…(siyempre imposible yan…pero kulang nalang ganyan gawin mo)dahil nga halos lahat binigay mo at ginawa mo. Ni katiting na pagmamahal at respeto sa sarili mo wala kang tinira pero anong napala mo… sa huli iniwan ka pa din niya..pwede din naman na pinagpalit mo lahat ng kaibigan mo,iniwan ang pamilya, umalis sa marangyang pamumuhay, kahit ang sarili mong career isinang tabi mo para sa kanya..INIWAN ka pa din niya… at ang kadalasang madidinig mong dahilan nila ay…….
“pasensiya kana hindi ko kayang tapatan mga ginagawa mo at ang pagmamahal mo..hindi ako bagay sayo”. (wow! Sosyal diba..kahit hindi ka naman nahingi ng kapalit sa ginagawa mo kundi ang wag ka lang niya iwan… wala pa din yun sa kanya..at parang ikaw pa ang may kasalanan dahil masyado kang magaling magmahal..)
“para kasing may kulang..hindi na ko masaya sayo!may mahal na kong iba..”.. (hanep diba? Halos ngatngatin mo na kuko niya kapag wala kayong nail cutter, paliguan, subuan na para kang may alagang comatose tapos hindi pa siya matutuwa at nakuha pang magmahal ng iba)
“sorry hindi talaga kita mahal…naawa lang ako sayo…”.. (ayos siya pa ang mabait dahil naawa siya sayo…at dahil naubos na yung sinasabi niyang awa iiwan ka na niya.. para kang basahan na pinilit labahan dahil no choice na siya..)
At ikaw na walang itinira sa sarili mo ang kakain ng bahaw, magsusuot ng pinaglumaan, kakain ng tinik, at luluha na parang suka ang binubuhos sa nagdurugo mong sugat…sabay sisihin mo ang mundo, magagalit sa diyos, itatanong kung bakit nabuhay ka pa, magagalit sa lahat ng nilalang dahil sa kabiguan mo…at sisirain mo pa ang sarili mo..(syempre mali yun..)
At kung ikaw naman ay wala ng makapitan bukod sa mga dingding ng bahay niyo… ehem! Nandiyan si lord 24 hours yan pwede mong kausapin…kung hindi mo madinig ang sagot niya.. subukan mo munang ilapit ulit at ipagkatiwala buhay mo sakanya malalaman mo din ang sagot niya.( 100% guarantee yan.
…to be continued….
Sunday, December 19, 2010
right or wrONG? sabi ng palaka

Saturday, December 18, 2010
"palakang tanga"

“MGA KATANGAHAN MONG GINAWA SA PAGMAMAHAL”
PINAGDUDULDULAN MO PA SARILI MO SAKANYA…AT DAHIL PINANGANAK KANG TANGA DEADMA KA PA DIN SA MGA KALOKOHAN NA PINAG GAGAGAWA NIYA…(KUNG NASAKTAN KA DAHIL SA SALITANG “TANGA” BAT DI MO SUBUKANG ISIPIN ANG SALITANG BAGAY SA GINAWA MO…MALAY MO PASALAMATAN MO PA KO..DAHIL BAKA MATAUHAN KA SA SINABI KONG TANGA KA).
MONTHSARY NIYO PERO NAKALIMUTAN NIYA…AT DAHIL NGA TANGA KA INISIP MO NALANG BAKA MADAMI LANG SIYANG GINAGAWA KAYA NAKALIMUTAN NIYA.. KAHIT ANG TOTOO EH NAKALIMUTAN NIYA(MAISIP MO KAYA YAN KAPAG LAGI NA NIYA GINAGAWA?
MAY NANLILIGAW SAYO 6MONTHS NA…MAHAL MO NAMAN PERO DI MO PA SINASAGOT.. TAPOS BIGLA NANLIGAW SAYO ANG POGI MONG CLASSMATE AT DAHIL NGA KINILIG NG SOBRA ANG MGA PETALS MO 3 DAYS PALANG SINAGOT MO NA..SABAY BASTED DUN SA ISA .. SOBRANG NABIGO YUNG 6 MONTHS MONG SUITOR KAYA NILIGAWAN NIYA ISA MONG BARKADA,PAGKASAGOT NAMAN NG BARKADA MO SA X-SUITOR MO.. NAHULI MO NAMAN ANG POGI MONG JOWA NA MAY KAFLIRT NA IBA…DAHIL NGA SA KALOKOHAN MO…IKAW ANG LUGE NGAYON..(SABIHIN MO ANO SA PALAGAY MO ANG TAWAG SAYO…)
MAY GF/BF KANA..TAPOS SUMAMA KA SA ISANG LAKAD NG BARKADA MO…MAY NAKITA KA NA NAKATAWAG NG PANSIN MO, AT DAHIL HALATA NAMAN NA INTERESADO KA TINUTUKSO KAYO NG BARKADA MO..DUN NA NAGSIMULA ANG BIGLA MONG PANINIWALA SA KASABIHANG” LOVE AT FIRST SIGHT”.. NAGPALITAN KAYO NG NUMBER…DAHIL SA PAG-AAKALA MONG INLOVE KANA SAKANYA INIWAN MO ANG BF/GF MO…ANG MALUNGKOT NA PART EH KUNG GANO MO SIYA KABILIS NAGUSTUHAN, DI MO NAMALAYAN NA GANUN KA DIN PALA KABILIS MASASAWA,SABAY REALIZE NA MAHAL MO PA PALA YUNG EX MO KASO DAHIL NASAKTAN SIYA NG SOBRA NAGHANAP NALANG SIYA NG IBA.. (NGAYON SABIHIN MO KUNG TOTOO ANG “LOVE AT FIRST SIGHT”..)